MANILA, Philippines — Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court ang mga miyembro ng ‘Dominguez Carnapping Group’ na sangkot sa pagpaslang sa anak ni Boy Evangelista, Presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption.
Sa desisyon ni QC RTC Branch 215 Presiding Judge Rafael Hipolito, napatunayan ng prosekusyon na sina Roger Dominguez, Jayson Miranda at Rolando Talban ang pumatay sa batang si Venson Evangelista noong January 14, 2011 sa isang irigasyon sa Cabanatuan Nueva Ecija.
Huling nakitang buhay ang biktima matapos makipagkita sa mga suspek na noon ay nagpanggap naman na mga car dealer.
Hindi naman mapigilan ng Pangulo ng VACC na mapaiyak sa tuwa matapos ibaba ng korte ang hatol sa mga suspek.
Bagama’t inabot ng 13 taon ang paglilitis, nagpapasalamat pa rin siya sa korte dahil nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang anak.