Ayuda sa PWDs sa Quezon City , mas pinalakas

Photo shows a PWD alone on the road. His situation mirrors that of many disabled Filipino urban poor amid a community quarantine.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatanggap ng financial assistance buhat sa pamahalaang lungsod ng Quezon ang nasa 8,000 na indigent Persons with Disability.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, base sa talaan ng Disability Affairs Office (PDAO), may 700 PWD na ang nakikinabang at nakatatanggap ng subsidy ng P1,500 kada quarter sa loob ng isang taon.

“Limitado ‘yung mga natatanggap na tulong ng mga PWD mula sa iba-ibang ahensya ng pamahalaan. Kaya binuo natin itong programang ito para kahit papaano ay makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya lalo na ngayong tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin,” pahayag ni Belmonte.

Una nang inaprubahan ng konseho ang City Ordinance 3115-2022 na nagbibigay ng pinansyal na ayuda sa PWD na hindi nakatatanggap ng ayuda sa national government gaya ng GSIS, SSS at 4Ps.

Prayoridad sa programang ito ang mga bedridden; PWDs na may severe health conditions; solo parent PWDs; solo parent na may anak na PWD; displaced PWD workers na naninirahan mag isa at PWDs na naninirahan sa mga senior citizen parents.

Sa mga nag-nanais na makinabang sa programa, maaari lamang magsumite ng lahat ng documentary requirements sa pinakamalapit na PDAO district office. Kailangan na mag prisenta ng PWD QCitizen ID at proof of residence sa kanilang barangay.

Bukod sa social welfare assistance, nagbibigay din ang lokal na pamahalaan ng P5,000 na ayuda kada taon para sa educational assistance sa mga children with disabilities para masuportahan ang kanilang special education o vocational classes.

Mayroon ding libreng mental health medicines at available din ang local health centers.

Namimigay din si Belmonte ng libreng hearing aids, wheelchairs, canes at iba pang assistive devices sa PWDs.

Show comments