Driver na nagsa-shabu sa loob ng sasakyan timbog

Kinilala ang suspek sa pamamagitan ng iprinisintang driver’s license na si Edward Larena, driver, at residente ng Syquia St. Sta Ana, Manila
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 52-anyos na lalaki nang maaktuhan ng security officer sa Bonifacio Global City sa pagsinghot ng ilegal na droga sa loob mismo ng minamaneho nitong sasakyan, sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek sa pamamagitan ng iprinisintang driver’s license na si Edward Larena, driver, at residente ng Syquia St. Sta Ana, Manila

Sa inisyal na ulat, dakong alas 9:30 ng umaga ng Miyerkules (Pebrero 8) nang arestuhin ang suspek ni Security Officer Andy Muel, kasama ang security guard na si Giovany Madjos, sa Mckinley parkway, sa likurang bahagi ng Serrendra One, District 2 Area ng BGC.

Nagsasagawa umano ng bump operation ang mga  security personnel kung saan nilapitan ang isang Mitsubishi Xpander na kulay itim dahil sa ilegal na pagparada.

Nang puntahan ang unahan ng sasakyan ay nadatnan pa umano ang driver na mag-isang sumisinghot ng shabu, batay na rin sa mga nakitang drug paraphernalias na kinumpiska.

Naiturn-over na sa Taguig City Police Station-Sub Station 1 ang suspek para sa pagsasampa ng reklamo.

Show comments