Bahagi ng C5 Ortigas flyover, isasara simula December 2

MANILA, Philippines — Simula sa Dec. 2 hanggang Dec. 30 magsasagawa ng rehabilitasyon ang Department of Public Works and Highways  (DPWH) sa ilang bahagi ng C-5. 

Ayon sa DPWH, isasara sa mga motorista ang bahagi ng C5 Ortigas flyover at Pasig Boulevard mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw para magbigay-daan sa rehabilitation works. 

Layon nito na ayusin ang damage na natagpuan sa expansion joints ng kalsada. 

Inuugnay ng flyover ang Pasig City at Makati City, at itinuturing alternatibong ruta papunta sa Ortigas Avenue, at Makati Bridge. 

Napag-alaman na taun-taon ang maintenance, condition survey, at emergency condition survey sa nasabing flyover.

Show comments