MANILA, Philippines — Pinayuhan ng pamunuan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang publiko na humanap na muna ng ibang pagamutan matapos na umabot na sa full capacity ang kanilang emergency room.
Sa isang advisory na pirmado ni Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, ng NKTI punung-puno na ang pagamutan ng mga dialysis, leptospirosis at COVID-19 patients.
“Dahil dito ay puno na rin ang aming Emergency Room (ER) na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 3x ng aming kapasidad. Ito ay sa dahilang wala na ring bakanteng kuwarto sa mga wards,” pahayag pa nito.
Nabanggit din sa pahayag ang kakulangan ng manpower partikular ng mga nurse na isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng Department of Health (DOH).