MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng 2-cubic meter rebate o halagang P50.00 sa kanilang December 2022 water bill ang may 35,000 Maynilad customers na naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Paeng.
Ito ay makaraang maglaan ang Maynilad ng P1.7 million assistance para punan ang average cost ng 2-cubic meter consumption ng naturang mga customers sa Muntinlupa at Pasay sa Metro Manila at sa Bacoor, Imus, Kawit, at Noveleta sa Cavite Province.
Ang rebate ay ibabawas sa halaga ng water bill ng mga kostumer . Gumamit ng tubig ang mga customers sa paglilinis ng kanilang bahay mula sa pagbaha na epekto ng nagdaang bagyong Paeng.
“We hope that this assistance, however small, will be of some help to our customers as they recover and rebuild their homes that were affected by floods at the height of Typhoon Paeng,” pahayga ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez .
Pinapurihan naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS-RO) Chief Regulator Atty. Patrick Lester Ty ang hakbang na ito ng Maynilad para makatulong sa mga binaha ng bagyong Paeng.