Manila North at South Cemeteries, isinara dahil sa bagyo

The public cemeteries in Manila have been closed to the public since yesterday, October 28, 2022.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Ipinasara kahapon ang Manila North Ce­metery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC)dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Batay sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), inilabas ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kautusan matapos na isailalim ng PagAsa ang Metro Manila sa ilalim ng  Signal No. 3.

Nagpalabas  din si Lacuna ng kautusan na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod kahapon dahil sa bagyo.

Sakop ng suspensiyon ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang face-to-face at online classes.

Show comments