Wanted sa panghahalay ng modelo, arestado

Nakaditine ngayon sa MPD-District Special Ope­rations Unit ang suspek na si Carl Jefferson Yrissary, 26, nagpakilalang isang mural artist, at nakatira sa Block 7 Lot 7 Cresta Verde Subdivision, Novaliches, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Polioce District (MPD) sa loob ng isang coffee shop sa ­Quezon City ang isang lalaki na umano’y gumahasa sa isang bebot na kinuha niya kunwari na modelo para sa isang cosplay noong 2017.

Nakaditine ngayon sa MPD-District Special Ope­rations Unit ang suspek na si Carl Jefferson Yrissary, 26, nagpakilalang isang mural artist, at nakatira sa Block 7 Lot 7 Cresta Verde Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng DSOU si Yrissary sa isang coffee shop sa loob ng isang shopping mall sa may EDSA, Quezon City dakong alas-3:30 kamaka­lawa ng hapon sa bisa ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Gina Bibat-Palamos ng Pasay Regional Trial Court Branch 108.

Ayon sa pulisya, nag­hain ng reklamo ng rape ang isang model na na­kilala umano sa online ng suspek. Nagpakilala umano na photographer ang suspek at nais kunin na modelo ang biktima para sa isang cosplay costume.

Nagkasundo ang da­lawa na magkita sa Pasay City at pumasok sa isang hotel para doon mag-photo shoot. Ngunit sa halip na pagmo-model ang mangyari, pinagsamantalahan umano ng suspek ang biktima, ayon kay P/Major Dave Garcia, assistant chief ng MPD-DSOU. Nagtago ang suspek ngunit natunton siya ng mga pulis. Dalawang linggo siyang minanmanan bago isinagawa ang pag-aresto.

Itinanggi naman ng suspek ang kaso laban sa kaniya dahil sa wala umano siyang maalala.  Sa kabila nito, patuloy na makukulong ang suspek dahil sa walang inilaan na piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Show comments