Clean-up drive vs dengue ikinasa sa Malabon

MANILA, Philippines — Bunsod ng pagdami ng kaso ng dengue, ikinasa ni Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon City ang citywide clean-up drive para puksain ang mga lamok na may dalang nakamamatay na virus.

Ang nasabing programa, ayon kay Mayor Sandoval ay may temang “All for One, One for All Para Linisin ang Malabon”.

Kasama ng mga residente sa iba’t ibang mga barangay, tulung-tulong ang bawat isa sa paglili­nis ng mga estero at iba pang mga lugar na maaa­ring pamahayan ng mga lamok.

Sabi ng alkalde, hindi titigil ang buong lungsod at sisikaping malinis ang kapaligiran sa kabila ng pandemya.

Naniniwala si Sandoval na ang kalinisan ang sagot sa maayos na kalusugan ng bawat taga-Malabon kaya’t magkaisa para makamit ito.

Show comments