‘Wattah Wattah Festival’ sa San Juan, umarangkada

Kinasabikan ng mga residente ng San Juan City ang muling pagdiriwang nila ng ‘Wattah Wattah Festival’ kahapon na taunang selebrasyon sa Kapistahan ni St. John the Baptist. Dalawang taon ding natigil ang ganitong pagdiriwang dahil sa ipinatupad na restriction dulot ng COVID pandemic.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Muling umarangkada kahapon ang ‘Wattah Wattah Festival’ sa San Juan matapos itong dalawang taong mahinto dahil sa pandemic dulot ng COVID.

Pinangunahan ni San Juan City Mayor-elect Francis Zamora  ang pagbasa ng tubig sa  mga tao gamit ang fire hose habang lulan ng fire truck sa pag-ikot sa lungsod.

Taunang ipinagdiriwang ang ‘Wattah Wattah Festival’ sa San Juan City sa kapistahan ni St. John the Baptist.

Binalot ng saya ang mga lugar na inikutan ni Mayor Zamora nang magsilabasan ang mga residente sa kanilang mga tahanan dahil sa paniwala ng mga tao doon na may magandang blessing ang hatid sa kanila ng pagbasa ng tubig sa araw.

 

Show comments