MANILA, Philippines — Isang bilanggo ang nasugatan nang sumiklab ang riot sa Quezon City Jail male dormitory kahapon ng hapon.
Ayon kay JSupt. Michelle Bonto, warden ng QC Jail, wala pang confirmation kung saang pangkat ng mga gang nagsimula ang gulo.
Hindi pa rin nila matukoy ang pangalan ng sugatang preso dahil nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kanilang pamunuan sa naganap na insidente.
Aniya, humingi na rin siya ng tulong sa SWAT team ng QCPD para mapahupa ang naganap na kaguluhan sa loob ng naturang bilangguan.
Sinasabing nagsimula ang riot bandang alas-3:20 ng hapon kahapon at makalipas ang mahigit 5 minuto ay humupa na rin ang kaguluhan sa kulungan matapos ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad doon.