MANILA, Philippines — Umaabot sa 5,000 mangrove propagules ang naitanim ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa Manila Bay coastal area sa lalawigan ng Cavite bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng World Water Day 2022.
Ang pagtatanim ng mangroves ay pinangunahan ng Cavite Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa ginanap na planting activity ng Maynilad sa Barangay Sineguelasan, Bacoor City.
Sa ilalim ng “Plant for Life” reforestation at afforestation program, ang Maynilad ay nagtatanim ng mangroves kada taon sa mga baybayin para matulungan ang mga komunidad. Ang mangroves ay proteksyon sa storm surges, nagsisilbing bahay ng mga isda at nakakatulong sa epekto ng climate change.