Pagkain sa loob ng sinehan, pwede na!

MANILA, Philippines — Mas lalo nang ma-eenjoy ang panonood ng sine ngayong Alert level 1.

Ito ay dahil sa inilabas na bagong guidelines na nagsasabing maaari na muling kumain sa loob ng mga sinehan ang publiko habang nanonood ng  pelikula sa pagpapatupad na kahapon ng Alert Level 1 sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.

“Pinayagan na po ang pagkain sa loob ng sinehan dito po sa ating bagong guidelines,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa ilalim ng dating Alert Level 2, maaari nang makapanood ng mga pelikula ngunit bawal pa ring magdala ng pagkain at kainin ito sa loob ng mga sinehan. Ito ay dahil sa malaki umano ang panganib na magkahawaan ng virus kapag kumakain lalo na sa mga saradong lugar.
Sa ilalim pa ng Alert Level 1, maaari nang makapag-­operate ng buong kapasidad ang mga negosyo at pampublikong transportasyon.

Pero kailangan muna na makapagpakita ng kustomer ng kanilang patunay na nabakunahan na sila.

Show comments