‘Environmental Points’ mula sa plastic puwede nang pambayad ng bills sa Quezon City

MANILA, Philippines — Maaari nang magamit na pambayad sa bills sa kuryente at iba pang bayarin ng mga residente ng Quezon City ang maiipon na points mula sa pagpapalit ng mga recyclable at single use plastics.

Ito ay batay sa pinalawak na  Quezon City government’s waste trading program na “Trash to Cashback”.

Ang Trash to Cashback ay isang inisyatibo ng QC sa pakikipag-tulungan ng Basic Environmental Systems and Technologies (BEST), Inc. na pinapayagan ang mga taga-QC na ipalit ang kanilang  mga naipong plastic, metal, at paper wastes sa  ‘Environmental Points’ (EPs) na maaaring ipalit ng bigas, itlog at gulay.

Noong Lunes, lumagda si QC  Mayor Joy Belmonte  ng kasunduan sa pagitan ng  Beepxtra Philippines at CIS Bayad Center Inc. para mapalawak ang waste trading program para mabigyang daan na magamit ng mga taga-QC na pambayad ito sa kanilang bills gamit ang kanilang  Environmental Points.

“Starting Dec 22, QC residents can now use their environmental points as Bayad App credits that can be redeemed for utility bills payment. Aside from getting points or credits for bills payment, we are also able to promote the importance of recycling and proper waste segregation,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

May tatlong  participating Bayad Centers para sa  90-day pilot launch  ng programa partikular na ang branches ng  Ever Commonwealth, Sauyo, at Gulod.

Ang QCitizen na gustong mag-redeem  ng kanilang Environmental Points para ipambayad sa kanilang bills ay kailangang magkaroon ng  Bayad App account.

Show comments