Privilege speech ng Konsehal sa Caloocan, sinasabotahe

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagka-dismaya ang isang konsehal ng Caloocan City hinggil sa umano’y tila pananabotahe sa kanyang privilege  speech ng ilang mga kasama sa konseho.

Ayon kay Caloocan City Councilor Alexander Ma-ngasar, hindi tama na tila nagpapa-check lamang ng attendance ang mga konsehal at unti-unting umaalis  sa kalagitnaan ng session.

Sinabi ni Mangasar na  pangatlong pagkakataon na noong Miyerkules, Agosto 25 , ng nawalan  ng  quorum sa  virtual session kung saan magbibigay na siya ng kanyang  privilege speech.

Aniya, Agosto 11, Agosto   18 at Agosto 25 niya nais ita-lakay at hingan ng linaw sa konseho ang kanyang  privilege speech subalit hindi nabibig- yan ng pagkakataon dahil sa kawalan  ng quorum. Isa na rito ang madalas na pagsuspinde sa mga bara-ngay chairman.

Apela ni Mangasar sa kanyang mga kasamahan sa konseho pagtuunan ng pansin ang  kanilang tungkulin sa city council at huwag “itake for granted” ang kanilang posisyon. Kaila-ngan na munang ibigay ang serbisyong kailangan ng Caloocan.

Sinabi naman ni Vice Ma-yor Maca Asistio, bilang presiding officer, pinaaalalahan niya ang mga konsehal  na madalas na nawawala habang nagsession kaya naman  hinihinto ang pagta-lakay, pag-apruba at botohan sa usapin o ordinansa kung walang quorum.

Show comments