‘Illegal guard houses con toll booths’ sa Quezon City pinagiba ni Joy

MANILA, Philippines — Wala na ngayong illegal guard houses sa labas ng subdibisyon sa Quezon City na ginagamit na toll booths, para makapaningil ng mula P50 hanggang P200 kada araw mula sa mga  motorista partikular sa bawat delivery trucks na dadaan dito.

Ito ay makaraang ipagiba ni Mayor Joy Belmonte sa mga tauhan ng QC  Department of Public Order and Safety ang guard houses ng  private subdivision sa Katipunan Avenue na isang Mabuhay Lane  sa Barangay San Bartolome sa lungsod dahil nakakaabala sa daloy ng trapiko ang mga istraktura.

Napatunayan ding ilegal na nangongolekta ng toll fee sa mga dumaraang motorista ang ‘guard houses con toll booths› ng  California Village, Kingspoint Subdivision at  Goodwill Subdivision. Ang mga guard houses ng naturang mga subdibisyon ay giniba na ng mga elemento ng DPOS samantalang ang dalawang guard houses ng  Sierra Vista Subdivision ay kusang giniba ng home­owners doon.

“Tuluy-tuloy ang operation natin sa mga illegal na guard house kahit pa sa private subdivisions. Makikita naman na obstruction ang mga ito at hindi dapat pinagbabayad ang mga motorista para lang makadaan sa mga pampublikong kalsada,” pahayag ni  DPOS head Elmo San Diego.

“We do not tolerate private subdivisions that take advantage of our motorists just because they have to pass their gates. Mabuhay lanes are public roads and no one should pay any amount to access these roads. Road safety is a shared responsibility. We must refrain from obstruc­ting public roads to give way not just for motorized vehicles but also to alternative transportation users and pedestrians,”sabi ni Mayor Belmonte.

Show comments