Super Health Center sa Malabon pinasinayaan

MANILA, Philippines — Pinasinayaan ni  Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang two- storey ‘Super Health Center’ sa Barangay Catmon  kahapon ng umaga  na magbibigay ng kinakailangang serbisyong medikal  sa mga residente lalo ngayong sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Oreta, bukas 24-oras ang clinic na nasa Super Health Center ng Pediatric, Adult, Internal at OB-Gyne Clinics, habang magbibigay din dito ng routine laboratory tests tulad ng Complete Blood Chemistry (CBC), urinalysis at iba pa, at minor surgeries.

“Libre ang serbisyo nito para sa publiko para maagap na malulunasan ang ating mga karamdaman bago pa ito lumala,” ani Oreta.

Sinabi naman ni  Konsehal Enzo Oreta, mahalagang maagapan ang kalusugan ng Malabonian, kaya’t titiyakin ng lungsod na mailalarga ang mga serbisyo ng Super Health Center.

 

Show comments