3 suspect sa Dacera case, pinalaya na

Inaasahang makakalaya na sina Rommel Galido, John Pascual Dela Serna III, at John Paul Halili subalit kailangan silang dumalo sa nakatakdang preliminary investigation sa Enero 13, 2021 ng alas 10:00 ng umaga.
Instagram/xtinedacera

Piskalya hindi kuntento sa iniharap na ebidensya

MANILA, Philippines — Iniutos ng Makati City Prosecutor’s Office kahapon ang pagpapalaya mula sa kustodiya ng pulisya ang tatlo sa 11 suspek na ipinagharap ng kasong rape with homicide matapos hindi makuntento sa mga isinumiteng ebidensiya na magdidiin sa kanila.

Inaasahang makakalaya na sina Rommel Galido, John Pascual Dela Serna III, at  John Paul Halili subalit kailangan silang dumalo sa nakatakdang preliminary investigation sa Enero 13, 2021 ng alas 10:00 ng umaga.

Sa 3-pahinang resolution, inatasan din ng pro­secution ang Makati Police na magsumite ng karagdagang ebidensiya, kabilang ang DNA analysis report, toxicology/chemical analysis at histopath examination report.

Ayon sa piskalya, may iba pang dapat klaruhin sa inihaing kaso tulad ng pagsasampa ng rape with homicide, gayung nakalagay lamang sa autopsy report na ruptured aortic ­aneurysm ang cause of death at walang indikasyong maiuugnay sa inihahaing reklamo.

“After a thorough examination of the evidence presented on inquest, this Office finds that there are certain matters that need to be clarified to determine the participation and culpability of each respondent for the alleged rape and killing of Christine Angelica Dacera y Faba,” saad sa resolution.

Hindi pa umano sapat ang “pieces of evidence “ para ma-establish na ni-rape ang biktima.

Kabilang din sa ‘di malinaw sa piskalya na kung may naganap na sexual assault, hindi naman tinukoy kung sino o sinu-sino ang responsable .

Show comments