MANILA, Philippines — Patay ang isa sa walong gambling suspect nang tumalon sa mga kumpol ng water lily sa Laguna Lake at malunod sa pag-iwas sa mga operatiba na sumalakay sa ilegal na pagsusugal, sa Lower Bicutan, kahapon ng hapon.
Kinilala ni Taguig Poilice Station chief, P/Colonel Celso Rodriguez ang nasawi na si Santiago Baja Acosta, ng Lower Bicutan, Taguig City.
Ayon kay Col. Rodriguez, nagsagawa ng anti-criminality at anti-gambling operations ang grupo ng Mobile Patrol Unit at iba pang unit, dakong ala -1:00 ng hapon sa Lower Bicutan, Taguig City.
Naaktuhan ng mga operatiba ang walong nagsusugal sa tatlong lamesa na mabilis na nagsitakbo nang makita ang pulisya habang si Acosta para hindi mahuli ay tumalon sa Laguna Lake.
Hinabol ito sa tubig subalit agad itong nasawi sa lunod.
Naaresto naman ang pito pang mga nagsusugal na nasa kustodiya na ng Taguig Police headquarters na nakatakdang sampa-han ng reklamong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Gambling Law).