Illegal sidewalks stalls sa Port Area, giniba

Pasado alas-9 ng umaga nang sumugod ang mga tauhan ng DPS sa Railroad Drive at sinuyod din ang 12th Harbor Street kung saan halos sinakop na ng mga vendors ang malaking bahagi ng kalsada kaya hindi na madaanan ng maayos ng mga behikulo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinagbabaklas ng mga tauhan ng Manila Department of Public Safety (DPS)  ang sari-saring tindahan na nagpapasikip umano sa kalsada sa Port Area, Maynila.

Pasado alas-9 ng umaga nang sumugod ang mga tauhan ng DPS sa Railroad Drive at sinuyod din ang 12th Harbor Street kung saan halos sinakop na ng mga vendors ang malaking bahagi ng kalsada kaya hindi na madaanan ng maayos ng mga behikulo.

Hindi na nakapalag ang mga may-ari ng mga stalls nang gibain ang mga itinayo nilang istruktura habang kanya-kanyang hakot naman ang mga tindero ng kanilang mga pa-ninda.

Nagbigay ng segu-ridad ang mga tauhan ng Manila Police District-Special Ma-yor’s Reaction Team sa pangunguna ni PMaj Rosalino “Jhun” Ibay  sa demolition team.

Sinabi ni Ibay na karamihan sa mga may-ari ng mga puwesto na giniba ay may mga sariling bahay sa Baseco sa Tondo at sa Greenhills sa San Juan.  Ginawa na rin umano ng mga vendor na bodega ang mga puwesto habang sinakop nila ang kalsada para mai-display ang mga paninda.

Nitong nakaraang Martes, unang sinuyod ng MDPS at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang mga kalsada sa Malate, Maynila na nagsagawa ng ‘‘clearing, clamping at impoun-ding operations’’ sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada.

Nasa 26 na sasak-yan ang na-clamp dahil sa illegal parking habang 48 na motorsiklo at apat na sasakyan ang kanilang na-tow.

Isinasagawa ang operasyon dahil sa reklamo ng mga residente at motorista sa mga pasaway na may-ari ng sasakyan na walang disiplina sa pagpaparada ngayong panahon ng pandem­ya.

Show comments