QUEZON CITY Philippines — Nasa 99 katao ang nabuslo ng Quezon City government dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa iba pang quarantine rules tulad ng paglabas-labas ng bahay sa hindi naman importanteng dahilan sa lugsod.
Ayon kay Department of Public Order and Safety (DPOS) head Gen. Elmo San Diego ang mga hinuli ay lumabag sa City Ordinance No. 2936 na nag-uutos sa pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar bilang pag-iingat na huwag mahawa sa COVID- 19
Sinabi ni San Diego na sa 99 na nahuli ay may menor-de-edad kayat pinaalala sa mga magulang nito kung gaano katindi ang hatid ng virus sa kalusugan ng tao.
Anya, ang pamilya ng mga minor ay sumailalim sa counseling at seminar hinggil sa quarantine protocols.