MANILA, Philippines — Dahil sarado ang Quiapo Golden Mosque at wala ring tao sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, sa loob ng kani-kanilang mga bahay nagdiwang ng pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr ang mga pamilyang Muslim sa lungsod ng Maynila.
Kung dati ay puno ng mga Muslim ang harap ng Quirino Grandstand at nagbibigayan ng pagkain matapos ang isang buwang ayuno, ngayong panahon ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) ay wala ito ngayong tao.
Sinabi ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan na ito ay bilang pagsunod ng mga Muslim sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases (IATF) na nagbabawal sa ‘mass gatherings’ at ‘religious activities’ ngayong panahon ng lockdown.