MANILA, Philippines — Maaari na ring makita ang water bill ng mga kostumer ng Maynilad Water sa west zone area ng Metro Manila at karatig lalawigan.
Ito ay makaraang ilunsad ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang “My Water Bill Program” at “Bill on Demand SMS Bill Facility” upang makita ng mga kostumer nito ang kanilang bayarin sa tubig ngayong umiiral ang enhanced quarantine sa National Capital Region.
Sa ilalim ng “My Water Bill” Program ng Maynilad, makukuha ng mga kosumer ang kanilang regular billing updates at notifications makaraan ang one-time registration via My Water Bill Portal-sa pamamagitan ng pagrerehistro sa https://mywaterbill.mayniladwater.com.ph/personaWeb/maynilad_b2c/,
Ang mga kostumer ay makakakuha ng secure online access gamit ang kanilang statement of Account (SOA) anumang oras at saang lugar.
Oras na makarehistro rito, ang customers ay makakatanggap ng kanilang monthly water bill notifications via SMS o email.
Ang Portal ay may option sa mga customers na ma-download at maiprint ang kanilang SOA. Maaari ring makita rito ang mga accredited online payment channels na maaaring maging lugar ng pagbabayaran ng kanilang water bills.
Ang mga customers na walang access sa internet ay makakatanggap naman ng kanilang monthly bill notifications via SMS kung mag rerehistro sa “My Water Bill”. Maaari silang mag text sa MayniladONCANAccount Name sa 09191626000 para rito.
Maaari ring magpa rehistro ang customers sa “My Water Bill” sa pamamagitan sa pagtawag sa Maynilad Hotline 1626, o magpadala ng private message sa Maynilad’s Facebook page o sa Twitter account. Kailangan lamang nilang ibigay ang kanilang email address o mobile number upang maasikao ito ng Maynilad’s customer service representatives.