Vendors hinihikayat magpa-swabbing

Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, isasagawa ngayong Lunes, alas-9:00 ng umaga sa Old City Plaza at ala-1:00 ng hapon sa Brgy. 34 Covered Court ang swabbing at alas-9:00 naman ng umaga bukas sa BB 150 Covered Court at ala-1:00 ng hapon sa Brgy. 14.
Edd Gumban/ Philstar

CALOOCAN, Philippines — Kaugnay ng  patuloy na laban kontra sa coronavirus disease 2019, magsasagawa ng community swab/rapid testing ang Caloocan City Health Department ngayon at bukas.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan,  isasagawa ngayong Lunes, alas-9:00 ng umaga sa Old City Plaza  at ala-1:00 ng hapon sa Brgy. 34 Covered Court ang swabbing at alas-9:00 naman ng umaga bukas sa BB 150 Covered Court at ala-1:00 ng hapon  sa Brgy. 14.

Paliwanag ni Malapitan dapat na sumailalim sa swabbing ang mga residente na nakakaranas ng anumang sintomas o na-expose sa isang nagpositibo o maaaring positibo sa virus at maaaring tumawag sa ating Covid-19 hotline o maaaring mag-walk in nang maaga. 

Aniya, ang mga market vendor sa Maypajo Market na kabilang din sa mga itinuturing nating frontliners ay maaaring magpa-swab/rapid testing din upang malaman kung  positibo o negatibo sa virus. Sa dami ng mga mamimili,  iba-iba ang nakakasalamuha ng mga vendor na  patuloy na nagtitinda kaya dapat din na  iprayoridad sa mass testing na ito. 

Show comments