PASIG, Philippines — Simula ngayong araw ng Lunes ay may bago nang schedule ng pamamalengke sa Pasig City Mega Market.
Sa inilabas na kautusan ng Pasig City government, bawat araw ay mayroong naka-assign na barangay na maaaring mamalengke.
Sa araw ng Lunes at Huwebes ay ang mga barangay ng Rosario, Santolan, Maybunga, San Miguel, Ugong, Dela Paz, Palatiw, Sto. Tomas at Malinao, Sumilang.
Sa araw ng Martes at Biyernes ay mga Barangay Manggahan, Sta. Lucia, Kalawaan, Sagad, Buting, San Joaquin, Caniogan, Sta. Cruz, Oranbo at Bagong Katipunan.
Sa araw ng Miyerkules at Sabado ay mga Barangay Pinagbuhatan, San Jose, Bagong Ilog, Bambang, Pineda, Kapitolyo, San Antonio, Kapasigan, San Nicolas at Sta. Rosa
Kinakailangan ay magdala ng valid ID o anumang katibayan na residente ng barangay.