P10 milyong shabu kuha sa 4 na ‘tulak’

Kinilala ni Malabon City Police chief, Col Jessie Tamayo ang mga nadakip na sina Remel De Jesus; Jufirst So-guilon, alyas Uno; Jhay M Camposano, at Rizza Mae Pabon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Malabon City Police ang higit sa P10 mil-yong halaga ng shabu sa apat na tulak sa isang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.
Kinilala ni Malabon City Police chief, Col Jessie Tamayo ang mga nadakip na sina Remel De Jesus; Jufirst So-guilon, alyas Uno; Jhay M Camposano, at Rizza Mae Pabon. 

Sa ulat ng pulisya, alas-4 ng mada-ling araw nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit ang operasyon sa kahabaan ng Aquino Road sa Brgy. Tugatog, sa naturang lungsod laban sa mga suspek na inakala ng pulisya na ordinaryong grupo lamang ng mga  ‘tulak’.

Nagawang makabili ng nagpanggap na buyer ng dalawang plastic sachet ng shabu buhat sa mga suspek na sina De Jesus at Soguilon kapalit ng P20,000 boodle marked money.  Dito na sila pinaligiran ng mga pulis nang magbigay ng hudyat ang buyer.

Unang nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu at ang boodle money.  Nang inspeksyunin ang sinasakyan nilang Nissan X-Trail (RHH 597), tumambad ang isang Chinese tea pack na naglalaman pa ng shabu.  

Aabot sa 1.485 kilo ng shabu ang nasabat sa mga suspek na may katumbas na halagang P10,101,060. 

Show comments