MANILA, Philippines — Daan-daang pamilya ang napilitang lumikas matapos sumiklab ang apoy sa kahabaan ng Leveriza St., Malate, Maynila bago magtanghali, Huwebes.
Ayon sa inilabas na spot report, nagsimula ang sunog bandang 11:58 n.u., na umabot pa nang hanggang fifth alarm.
WATCH: Firefighters battle fire engulfing homes along Leveriza Street in Malate, Manila | via @ManilaDRRMO #AlertoManileno pic.twitter.com/DcvaYRFrTK
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) December 19, 2019
Idineklara namang "under control" ang apoy bago umabot ng 2 n.h.
Dinala sa Manila Police District 9 ang isang person of interest sa reklamong arson kaugnay ng insidente.
Sa unang pagtataya ni MPD Special Mayor's Reaction Team chief Major Rosalino Ibay Jr., tila "away ng magkapatid" ang motibo sa sunog.
Gayunpaman, agad pinakawalan ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police ang nasabing akusado dahil hindi nila makumpirma ang anggulong arson.
Apektado ang 140 pamilya (20-23 bahay) mula sa baranggay 718, habang 90 pamilya naman (15-17 bahay) ang nagmula sa baranggay 717, ayon kay Manila Public Information Office chief Julius Leonen.
Ginamit namang evacuation area ang isang basketball court sa baranggay 718.