MANILA, Philippines — Simula ngayong Sabado, (November 23) ay bukas ang QC hall-Business Permit and Licensing Division para sa mga QC workers na kukuha ng occupational permit na isang rekisitos sa kanilang trabaho.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, magiging bukas na kahit araw ng Sabado ang BPLD upang asistihan ang mga manggagawa na kukuha ng naturang permit .
“This way, local residents wont have to file a leave just to obtain their occupational permits during weekdays, malaking ginhawa nito dahil maaari nilang gamitin ang libreng oras tuwing Sabado para makakuha nito” pahayag ni Mayor Belmonte.
Ayon kay BPLD head Margie Santos, ang serbisyo ay available mula alas-8 ng umaga hangang alas-5 ng hapon tuwing sabado.
Sinabi ni Santos na kailangan lamang na magdala ang mga aplikante ng complete requirements tulad ng kanilang laboratory results mula sa accredited testing center para sa issuance ng health permit/card, lates NBI o police clearance.
Anya, kailangang dalhin ng mga aplikante ang naturang mga requirements upang maisyuhan ng permit. Mayroon din anyang HIV awareness seminars na ginagawa rito.
Dagdag na requirement naman anya ang residence certificate, yellow card para sa mga entertainers/therapist, waivers para sa PRC holders, Parent consent para sa minors at Alien Employment permit para sa mga dayuhan.