Pagdami ng e-bikes, e-trikes, scooters bubusisiin

Dahil dito, isinulong ni Aklan Rep. Carlo Marquez na maimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga ­e-bikes, scooters at e-trikes.
File

MANILA, Philippines – Patuloy ang paglobo ng mga electric bikes ­(e-bikes), scooters at electric tricycles (e-trikes) na nakakadag­dag sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan partikular na sa Metro  Manila. 

Dahil dito, isinulong ni Aklan Rep. Carlo  Marquez  na maimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang mga ­e-bikes, scooters at e-trikes.

 Sinabi ng solon na nakakagulat ang mistulang mga kabuting pagsusulputan ng naturang mga uri ng masasakyan  na naglipana na ngayon sa mga lansa­ngan.

“E-bikes and likewise scooters are not registered with the LTO because they are not supposed to be used in thoroughfares,” punto ni Marquez.

Kasabay nito , naghain ng House Resolution 149 ang Kongresista na hinihikayat ang kanyang mga kasamahang mambabatas na magkaroon ng regulas­yon sa polisiya, ang mga ­e-bikes, scooters at e-trikes.

“Is there a national law regulating the use of ­e-bike, scooter, or e-trike which means that anyone, with or without driver’s license, can use, drive, or operate it on major streets just like any motorized vehicle? ” anang solon.

“Does an e-bike or scooter need no registration as long as it has foot pedals for manual pedaling? Does an e-bike or scooter not required to have number plate nor to be covered by insurance? ” kuwestiyon nito.

Binigyang diin nito na ang mga e-bikes, e-trike na nagkalat sa mga lansangan ay mga illegal at hindi ito awtorisadong mag-pickup ng mga pasahero.

Show comments