Sa operator na susuway sa PUV modernization
MANILA, Philippines — Tatanggalan ng prangkisa ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operators na mabibigong tumalima sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) hanggang sa taong 2020 deadline.
Ayon kay DOTr Undersecretary Mark de Leon, sa susunod na taon ay bibigyan nila ng notice ang mga naturang operators at kung hindi pa sila tumatalima sa programa ay babawian na sila ng prangkisa.
“Let’s stick to the deadline at kung hindi kayo makaka-comply, pasensyahan na lamang po tayo,” aniya pa.