MANILA, Philippines — Ipinahayag ng San Miguel Foods na nananatiling laging ligtas ang mga produkto nito sa kabila ng napapabalitang pagkalat ng African Swine Fever.
Ayon sa San Miguel Foods, ang mga produkto nitong Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa iba’t ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety.
Isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nito at dahil sa “grain-fed” ang mga baboy nito. Ang mga grain feeds na ipinapakain sa mga baboy ay gawa sa mga state-of-the-art feedmills ng B-MEG sa ilalim pa rin ng kumpanya.
Ang mga hog farms at pasilidad ng kompanya ay sumusunod rin sa istriktong animal health at biosecurity protocols.
Maliban dito, bago pa man ma-distribute ang mga produkto ay may kaukulang permit na ang mga ito mula sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.