MANILA, Philippines — Ang makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros, Manila ay siyang sentro ng photography sa bansa kung saan nagtutungo ang mga mahihilig sa photography, lokal at banyaga.
Dito, ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ay nag-aalok ng basic photo course sa mga gustong matuto ng photography at special courses naman sa professional photographers. Sa comprehensive digital photography ang mga baguhan ay matututo ng paggamit ng camera sa loob lamang ng limang araw o 40 oras. Sa special courses naman para sa mga professional photographer ay mapapalawak nila ang kanilang kaalaman sa photography upang maging bihasa at maituturing na propesyonal.
Sa basic photo course nagpapatala ang mga estudyante at ilan mga doctor, nurse, advertiser, inhenyero, CPA, negosyante, titser, abogado, may ilang showbiz personalities, militar, at mga opisyales ng pamahalaan.
Ang susunod na 5-Sabadong Basic Photo Course ay magsisimula sa Sept. 21.
Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, 2nd Floor, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel. 5247576/5240371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.