Protesta sa pagpasok ng pulis, militar sa campus
MANILA, Philippines – Libong mga mag -aaral at guro ng University of the Philippines (UP) sa Diliman Quezon City ang nag-walkout sa kanilang klase para tutulan ang planong pagpasok sa campus ng mga pulis at militar.
Ayon kay UP Student Regent Isaac Punzalan, ang protesta ay pagpapakita lamang na ang kanilang campus ay isang zone of peace laban sa mga ahente ng pamahalaan.
“If not for the military of the students, we have nothing. Any effort to uproot our academic freedom to critically engage our society can only benefit those in power who want to escape accountability,” pahayag ni Punzalan .
Una nang inerekomenda ni Senador Bato dela Rosa na payagan ang pulis at militar na magsagawa ng ‘indoctrination’ sa mga mag-aaral sa mga state universities at colleges upang maiwasan ang pagsapi sa mga komunistang grupo.
Hinamon din ni Punzalan si Dela Rosa at PNP sa isang debate upang pag-usapan ang planong pagpasok ng AFP at PNP sa UP campus.