City-wide clean-up sa Marikina isinagawa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Mari­kina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang pagsasagawa ng city-wide clean-up sa kabuuan ng lungsod.

Kasama ni Mayor Teo­doro si  Marikina Acting City Administrator Adrian Salvador at iba pang department heads sa pagsasagawa ng paglilinis sa kanilang siyudad.

Ayon kay Salvador­,  kung sa ibang lungsod ay puspusan pa lamang ang paglilinis upang maibalik ang da­ting ganda ng mga ito, kilala naman aniya ang Marikina sa pagiging malinis nitong lungsod dahil na rin sa disi­plinado ang mga residente dito.

Ang grupo naman ni City Environmental Management Office (CEMO), na pinamumunuan ni OIC Ramil Manuel ay ineskoba ang lahat ng sidewalks sa may 2,446 kalsada sa lungsod upang alisin ang mga lumot, na maaaring magresulta upang madulas ang mga naglalakad dito, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Tiniyak din ng lokal na pamahalaan na istrikto sila sa pagpapatupad ng kanilang ordinansa na nagpapataw ng parusa sa mga taong nagkakalat sa lungsod.

Show comments