70 dakma sa SACLEO sa Pasay

Sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police nasa 14 na lalaki ang natimbog dahil sa droga.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng nasa 70 indibidwal na sangkot sa iba’t ibang paglabag sa batas sa magda­magang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Pasay City.

Sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police nasa 14 na lalaki ang natimbog dahil sa droga.

Apat sa kanila ay naaresto sa bisa ng search warrant sa Buendia Avenue dakong alas-9:00 ng gabi.

Nasa 6 naman ang nahuli sa anti-smoking kabilang ang tatlong Chinese, 21 naman na lalaki ang pinagdadakma sa mga lansangan na walang mga suot na pang-itaas, 3 sa carnapping, 5 barkers at isang nahulihan ng patalim.

Nakumpiska rin ang ilang gramo ng shabu at patalim mula sa mga suspect. Ayon kay Yang, ang ikinasang Sacleo ay bunsod nang kanilang natatanggap na impormasyon o sumbong ng mga residente sa pamamagitan ng text massages.

Kamakalawa ng alas-8:00 ng gabi hanggang kinabukasan ng alas-5:00 ng umaga ang isinagawang operasyon.

Show comments