MANILA, Philippines — Utas ang isang 40-anyos na rider matapos magulungan ng trak nang sumemplang habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan si Edilberto Montuya, ng Sampaloc, Manila.
Nasa custody ng pulisya ang driver ng trak na nakilalang si Ariel Banawa, 35, ng Vitas Tondo, Manila.
Ayon sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi sa kahabaan ng C-3 Road patungong A. Bonifacio Avenue, panulukan ng Tagaytay St. Brgy. 126 ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na kapwa binabagtas ng motorsiklo ng biktima at trak ng suspect ang lugar nang biglang mawalan ng kontrol ang una sa kanyang motortsiklo hanggang sa sumemplang ng aksidenteng bumangga sa concrete barrier at tumilapon kaya naman nagulungan ng trak.