MANILA, Philippines – Nasa mahigit dosenang mga baril at daan-daang mga bala ang sinurender ng pamilya ng isang sundalong namatay matapos ang ikinasang ‘ Oplan katok’ ng mga pulis, kamakalawa sa Pasay City.
Ayon sa hepe ng Pasay City na si P/Col. Bernard Yang, kabilang sa mga isinuko ay ang .3 kalibre .45-caliber pistols na may 10 magazines, tatlong .22-caliber revolvers, .357-caliber revolver, 5.57-caliber revolver, 3 air gun pistols, 3 air gun rifles, .22-caliber rifle.
Kabilang din ang 7 pirasong M-16 rifle short magazines, 350 bullets para sa 5.57-caliber revolver; 397 bullets para sa “special” .38-caliber revolver; 141 bullets para sa “super” .38-caliber revolver; 61 bullets para sa .22-caliber revolver; 334 bullets para sa .45-caliber pistol; 22 bullets para 50-caliber gun at 245 bullets para 60-caliber gun.
Base sa report, sinurender ang naturang mga baril at bala ni Barbie Varin delos Santos, anak ng namayapang si Philippine Air Force Colonel Eliano Remigio delos Santos.
Matapos magtungo ang mga pulis sa bahay nito sa Saint Jude Street, Barangay 179, Maricaban, alas-2:25 ng hapon sa ikinasa nilang oplan katok.
Sabi ng mga pulis, nakabaon pa ang mga armas at bala ng kanilang abutan sa bahay.
Nabatid na collection aniya ng nasawing opisyal ng militar ang nasabing mga baril at bala.