Pagsasampa ng kaso kay ‘Jacky Co’, idinepensa ng PDEA

Paliwanag ni PDEA spokesman Derrick Carreon ang paghaharap ng kaso laban kay Co ay napagkasunduan sa isinagawang case conference noong Mayo, 28, isang araw bago magdeliber ng speech si Sen. Lacson na binabanatan ang ahensya at ang Bureau of Customs (BOC).
Boy Santos

MANILA, Philippines — Idinepensa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ginawa nilang pagsasampa ng kaso laban sa Chinese trader, kasabay nang pagsasabing nakahanda na ang kanilang kaso laban kay ‘Jacky Co’ bago pa ang ginawang rebelasyon ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech.

Paliwanag ni PDEA spokesman Derrick Carreon ang paghaharap ng kaso laban kay Co ay napagkasunduan sa isinagawang case conference noong Mayo, 28, isang araw bago magdeliber ng speech si Sen. Lacson na binabanatan ang ahensya at ang Bureau of Customs (BOC).

Sa privilege speech ni Lacson binanggit nito si Jacky Co, Xu Zhi Jhian, ang tunay na pangalan na sangkot sa P1.8 bilyong shabu shipment.

Magugunitang ka­makalawa ay nagharap nang kaso ang PDEA laban kay Co na sinasabing kabilang sa Dra­gon Wu drug syndicate matapos na mabuko ang shabu shipment.

Sinabi pa ng PDEA na matapos ma-intercept ang shabu shipment nagsagawa na sila ng case build up laban  kay Co kasabay nang pagsasabing ang pagkalap ng ebidensya ay hindi magagawa ng overnight lamang at ito ay tumagal ng dalawang buwan.

Sinabi pa ni Carreon na makakaasa ang taumbayan na gagawin nila ang kanilang tungkuli na may sinseridad at dedikasyon sa lahat ng panahon.

Show comments