MANILA, Philippines — Sinuspindi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga provincial bus sa Biyernes (May 10) at Martes (May 14) upang bigyan daan ang mga commuters na uuwi ng kanilang mga probinsiya para bumoto at babalik naman ng Metro Manila pagkatapos ng halalan.
Abiso ito kahapon ng MMDA, para tiyakin aniya na may sapat na pampublikong transportasyon ang mga mananakay patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila.
Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija, layon rin nito na mapadali ang biyahe ng mga ito.
Samantala, ang number coding sa lahat ng PUVs at pribadong behikulo ay awtomatikong suspindido ngayong weekends, Mayo 11, 12 at mismo sa araw ng halalan Mayo 13.
Kasama rin sa suspension ng number coding ang lungsod ng Makati at Las Piñas. Balik ang pagpapatupad sa coding sa araw ng Miyerkules.