MANILA, Philippines — Nasa 100 E-trikes ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa ibat-ibang barangay upang makatipid sa petrolyo at hindi makadagdag pollution.
Ang turn-over ceremony ay pinangunahan nina Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar; dating TRU head Ruben Ramos; Councilors Rubymar Ramos; Henry Medina; Peewee Aguilar at Boboy Dela Cruz.
Ang naging mga beneficiaries ng 100 E-trikes ay ang mga operator at driver, na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) mula sa Brgy. Pilar, Talon Dos, Pamplona Tres, Talon Singko, Almanza Uno at Pulanglupa Uno.
Nabatid, na naturang proyekto ay patnership sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas at Department of Energy (DoE), na ito ay bahagi ng kampanya ng gobyerno sa mga transportasyon na makalikasan at makatipid sa paggamit ng petrolyo.