PDEA: Floating cocaine, ‘onli in da Philippines’

Ayon kay Aquino, naki­pag-ugnayan na sila sa may 65 bansa at nakumpirmang wala pa silang naitatalang mga ganitong pangyayari sa kanilang lugar.
Contributed Photo

MANILA, Philippines — ‘Onli in da Philippines’ lamang ang naitatalang  mga  insidente ng ‘floating cocaine’, ito ang iniha­yag kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

Ayon kay Aquino, naki­pag-ugnayan na sila sa may 65 bansa at nakumpirmang wala pa silang naitatalang mga ganitong pangyayari sa kanilang lugar.

Aminado si Aquino na hanggang sa ngayon ay blangko pa rin sila kung saan nagmumula ang mga naturang floating cocaine.

“Even the US DEA (Drug Enforcement Admi­nistration) told me that it’s a mystery. Hindi pa rin nila mabigyan ng assessment kung bakit nagkakaroon ng floating cocaine,” ani Aquino.

Tiniyak naman niya na nakikipagtulungan na sila sa kanilang mga international counterparts upang imbestigahan ang mga naturang insidente at matukoy ang source ng mga naturang ilegal na droga.

Matatandaang 12 pagkakataon nang nakarekober ng floating cocaine sa eastern seaboard ng bansa, mula Pebrero 10 hanggang Marso 3 lamang.

Ayon sa PDEA, umaabot na sa 168.73 kilo ng cocaine ang kanilang narekober, na tinatayang nagkakahalaga ng P10 bilyon.

Show comments