MANILA, Philippines — Good news sa single parents sa San Juan dahil magkakaroon na sila ng kanilang sariling bahay.
Kahapon ng alas-10:00 ng umaga ay isinagawa ang grounbreaking ceremony ng ‘3rd In-City Public Housing Program’ na laan para sa mga single parents sa San Juan.
Pinangunahan ni San Juan City Mayor Guia Gomez ang programa sa pagtatayo ang apat na palapag na gusali para sa mga single parents ng Brgy. Rivera.
Ang nasabing housing project ay may 16 na units at may sukat na 40 sq/m, may sariling dining, kusina at palikuran ang bawat isa sa kinatitirikan ng 800 sq/m covered Basketball Court.
Labing siyam na milyung piso (P19M) ang inilaang pondo para sa naturang proyekto na inaasahang matatapos sa loob ng apat (4) na buwan, na pangangasiwaan ng Gender and Development (GAD) sa ilalim ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng itatayong pabahay na matulungan ang mga single parents sa Barangay Rivera na maitaguyod at mabigyan ng disenteng tirahan ang kanilang mga anak.
Idinagdag pa ni Gomez na bukas din sa mga lalaking single parents ng Bgy. Rivera ang proyekto.