BabaLa ng MMDA sa mga ‘pasaway’
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagbalewala sa batas sa jaywalking kung kaya pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng rekord sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mahuhuling jaywalkers.
“Pinaplano po ng MMDA na ang mahuhuling jaywalkers ay magkakaron ng lamat sa kanilang mga NBI records,” pahayag ito ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago.
Isa ang NBI clearance na pinapakuha sa pag-aaplay ng trabaho, kung saan makikita ang rekord ng mga ‘pasaway’.
Sinabi ni Pialago, base sa rekord ng MMDA sa 54 porsiyento ng road accidents sa Kalakhang Maynila, ang mga ‘jaywalker’ ang isa sa mga panguna-hing dahilan.
Kung saan aabot sa 200 violators ang hinuli ng MMDA dahil sa paglabag sa anti-jaywalking at inisyuhan ang mga ito ng paniket na may multang P500 o kaya’y parusang commu-nity service.
Sinabi ni Pialago na mukhang hindi aniya sapat ang parusa sa mga ito dahil patuloy ang pagbalewala ng marami sa batas at patuloy ang nahuhuling lumalabag.
Ihahain ng MMDA sa Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng ahensya ang ka-nilang panukala.
Hindi lang umano makakatulong ito sa paglutas sa trapik, kundi marami pang buhay ang masasagip.