Mayor Sara inendorso si Cuneta

Kaugnay nito, agad namang nagpahayag ng pasasalamat si Sharon Cuneta dahil sa endorsement ng pamilyang Duterte sa kanyang Kuya Chet.

MANILA, Philippines — Inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte  si Cesar “Chet” Cuneta na anak ni da­ting Pasay City Mayor Pablo Cuneta at kapatid ni Mega Star Sharon Cuneta para sa pagka-alkalde sa Pasay City sa nalalapit na midterm elections.

Kaugnay nito, agad namang nagpahayag ng pasasalamat si Sharon Cuneta dahil sa endorsement ng pamilyang Duterte sa kanyang Kuya  Chet.

Inilabas naman ni Sharon ang larawan na may personal na mensahe ni Mayor Sara, “Magandang araw po sa lahat ng kaibigan namin sa Pasay. Si Chet Cuneta po ang tunay na mayor natin sa Pasay City”.

Makakalaban ni Chet Cuneta si Emi Calixto-Rubiano na kasalukuyang Congresswoman ng Pasay.

Naglabas naman ng pahayag ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa pamamagitan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na buong supporta ang ibibigay nila sa kanilang NPC Chairman sa Pasay na si Chet Cuneta.

Ang NPC at Hukbong ng Pagbabago ni Mayor Sara ay may “political alliance”.

Show comments