Seniors, 1-week na libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3

Ang libreng sakay ng mga senior citizens ay magsisimula bukas, araw ng Lunes (Oktubre 1) bilang pakikiisa ng LRT-2 at MRT-3 sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week na magtatapos sa Oktubre 7 araw ng Linggo.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang linggong libreng sakay ang mga matatanda sa Light Rail Transit  Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ang libreng sakay ng mga senior citizens ay magsisimula bukas, araw ng Lunes (Oktubre 1) bilang pakikiisa ng LRT-2 at MRT-3 sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week na magtatapos sa Oktubre 7 araw ng  Linggo.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, ang libreng sakay ay available mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas- 5:00 ng hapon hanggang alas- 7:00 ng gabi, habang ang free ride naman ng MRT-3 ay mula alas- 5:30 ng madaling araw hanggang alas- 10:30 ng gabi.

Upang maka-avail ng libreng sakay, kinakailangan lamang umano ng mga senior citizens na magpakita ng valid identification (ID) cards na inisyu ng Office for Senior Citizen Affairs (OSCA), o anumang ID na nagpapatunay na sila ay nagkaka-edad na ng 60-taong gulang pataas.

Magtatalaga umano ang LRT-2 ng piling gate para sa mga senior citizen, habang ang MRT-3 naman ay magbibigay ng libreng magnetic tickets.

Show comments