MANILA, Philippines — Nasa 13 katao kabilang ang 4 na menor-de-edad ang na food poisoning matapos dumalo sa isang event sa Eskuwela Cooperatives National Conference na ginanap sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Patuloy na ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktima matapos makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae matapos kumain sa mga ini-haing pagkain ng hotel.
Ayon sa report ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, alas-8:00 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa security officer ng nasabing pagamutan at ini-report na may isinugod na mga pasyente na kabilang sa mga participants mula sa iba’t ibang probinsiya ng nabanggit na conference.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, matapos kumain ng kanilang pananghalian ang nasabing mga biktima bandang ala-1:30 ng hapon nang makaramdam ang mga ito ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.
Ayon sa attending phy-sician na kinilalang si Dr. Lyndon Cosico, 13, sa biktima na na confine, apat dito ay mga menor-de-edad.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.