Sunog sa Tondo: 5 patay

Ayon kay Fire Senior Ins­pector Reden Alumno, ang pinuno ng investigation unit ng Bureau of Fire Protection Manila, nagsimula ang sunog dakong ala-1:47 ng hapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Patay ang  limang  katao sa naganap na sunog sa residential area sa Tondo, Maynila kahapon ng hapon.

Ayon kay Fire Senior Ins­pector Reden Alumno, ang pinuno ng investigation unit ng Bureau of Fire Protection Manila, nagsimula ang sunog dakong ala-1:47 ng hapon.

Aniya, hindi na makilala ang apat na biktima na tinupok ng apoy.

Ngunit sa inisyal na impormasyon ng opisyal, nagkakaedad ng 8, 9, at 14 ang tatlo sa biktima habang inaalam pa rin ang edad ng isa sa mga namatay.

Nalaman din kay Alumno na may dalawang dinala sa ospital mula sa ikatlo at ikalawang palapag ngunit ang isa dito ay dead-on-arrival.

Sa oras na ito ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng limang namatay dahil nakulong sa ika-4 na palapag ng inuupahang kuwarto sa Garcia St. kanto ng Sampaloc, Barangay 118.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, nadamay lamang ang gusali sa nasunog na bahay ng isang Ricardo Antoque sa 304 Sampaloc St.

Nalaman din kay Alumno na umabot sa ikalawang alarma ang sunog at alas-3 na nitong hapon na idineklarang fire under control.

Show comments