MANILA, Philippines — Guilty ang naging hatol ng korte ng Taguig sa negosyanteng si Cedric Lee; ang modelong si Deniece Cornejo at ang iba pang akusado sa kasong grave coercion na isinampa ng aktor na si Ferdinand ‘Vhong’ Navarro, may apat na taon na ang nakakalipas.
Sa naging desisyon ni Taguig City Metropolitan Trial Court Branch 74 presiding judge Bernard Pineda Ber-nal, hinatulan ng six months of arresto mayor na may minimum na hanggang 3 taon hanggang anim na buwan pagkakulong sina Lee, Cornejo at Sajed Fernandez Abu-hijleh, alyas Jed Fernandez.
Sinampahan ni Navarro ang mga akusado ng grave coercion matapos siyang bugbugin ng mga ito noong Enero, 2014 sa condominium ni Cornejo sa Taguig City.
Kung saan noong 2017 ay ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong panggagahasa na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.