DSOU operation, lehitimo-police official

Aniya walang katotohanan ang alegasyon na may nangyaring extortion kung saan humingi umano ng P100,000 at ibinaba sa P50,000 ang kanyang mga tauhan.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pinaninindigan na ng sinibak na hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) na si Chief Insp. Joey de Ocampo na lehitimo ang isinagawang operasyon ng kanyang mga tauhan na may kinalaman sa human trafficking, kamakalawa ng madaling araw sa Sta.Mesa, Maynila.

Aniya walang katotohanan  ang  alegasyon na may nangyaring extortion kung saan humingi umano ng P100,000 at ibinaba sa P50,000 ang kanyang mga tauhan.

Ilan naman sa nakasaksi sa operasyon ang nagsabing ‘over acting’ ang mga  tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) sa ginawang pagpasok sa tanggapan ng DSOU dahil sa naka full battle gear pa ang mga  ito at dinisarmahan agad ang naka-duty na mga pulis.

“Yung mga pulis ko pa ang nagpa-medical dun sa mga nahuling apat na bugaw tapos pinosasan nila”, ayon kay De Ocampo.

Ito umano ay sina  PO1 Erdie Bautista at PO1, MJ Cerilla, habang apat pa rito ang tinutugis na sina PO3 Michael Chavez, PO3 Dindo Encina,PO1 Arcadio Orbis, at PO1 Martinico Mario.

Depensa ni De Ocampo, gawa-gawa lamang umano ito, para matakasan ang kasong kahaharapin ng mga suspek, ilan sa mga kaanak ng mga ito ang  nagsumbong sa mga tauhan ng PNP-CITF).

Show comments