MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong transport network company (TNC) na Hype kung bakit naniningil ng P2 per minute charge sa mga pasahero nang walang approval mula sa ahensiya.
Ang P2 per minute charge ay hiwalay na singil pa ng Hype sa flagdown rate na P40 at P14 per kilometer charge,.
Nais ding malaman ng LTFRB kung bakit hindi maaaring kanselahin ang akreditasyon ng Hype dahil sa overcharging.
Kaugnay nito, inatasan ng LTFRB ang pamunuan ng Hype na dumalo sa itinakdang pagdinig sa July 24 para rito.
Ang Hype ay na-accredit ng LTFRB noong April 18, 2018 may dalawang araw makaraang maibenta ng Uber ang operasyon sa Grab.
Una nang napatawan ng multang P10 milyon ang Grab dahil sa paniningil nito ng P2-per-minute charge sa mga pasahero na hindi umano aprubado ng LTFRB.